We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Tuesday, November 21, 2017
You are here: Home » Featured » 2 patay sa pamamaril sa Zambo Pen
  • Follow Us!

2 patay sa pamamaril sa Zambo Pen 

ZAMBOANGA CITY – Patay ang dalawang katao at sugatan ang isang menor de edad matapos silang pagbabarilin ng mga di-kilalang armado sa hiwalay na atake sa Zamboanga Peninsula. 

Isa sa napatay ay aktibong miyembro ng militia group na Civilian Active Auxiliary na diumano’y sangkot sa ilegal na droga sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay at kinumpirma kahapon ng pulisya ang pagkakapaslang kay Reynaldo Pasaporte, 49 anyos.

Nagkakape lamang umano si Pasaporte sa Poblacion ng Ipil ng ito’y lapitan ng isang lalaki at saka siya binaril sa ulo. Dead on the spot ang biktima na kabilang sa drug list ng lokal na pulisya at nabawi sa kanyang bulsa ang isang sachet ng umano’y shabu at agad rin tumakas ang suspek sakay ng isang asul na motorsiklo. 

Asul na motorsiklo rin ang ginamit ng 2 killer sa pagpatay naman kay Dyxrel Beniga Sr, 39, sa Barangay Imelda sa bayan ng Sindangan sa kalapit na lalawigan ng Zamboanga Del Norte. 

Nabatid sa pulisya na pauwi na si Beniga sa inuupahang kuwarto ng ito’y pagbabarilin, ngunit hindi naman tumama sa kanya. Agad naman itong tumakbo patungo sa kanyang kuwarto, ngunit sinundan ito ng isang suspek at doon pinagbabaril. Nahagip naman ng bala ang anak ni Beniga, ngunit ligtas na ito sa panganib. 

Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang kay Beniga at hindi rin sinabi ng pulisya kung sabit ito sa droga. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

20,488 total views, 2 views today

Add a Comment