BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates

4 patay sa ambush sa Cotabato City

Ginang, ginahasa at pinatay sa Zambo Sur
February 29, 2016
EU migrant crisis: Clashes as France clears Calais ‘Jungle’ – BBC News
March 1, 2016
Show all

COTABATO CITY – Apat na katao, kabilang ang dalawang bata, ang patay matapos silang tambangan ng mga di-kilalang salarin sa magulong lungsod ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na si Rahima Tan, 40; at kanyang anak na si Giabel, 11; at Sanay, 10; at ang driver ng motorsiklong kanilang sinasakyan na si Jun Miraato, 22.

Nirata sila kamakalawa ng haponsa kahabaan ng Raja Tabunaway at dalawang armado ang sinasabing nasa likod ng pananambang. Agad rin tumakas ang mga salarin matapos na paulanan ng bala ang nga biktima.

Hindi pa malinaw ang motibo sa atake at patuloy ang imbestigasyon sa krimen. Hindi rin amtukoy kung may kinalaman ang pamamaslang sa rido o clan war ng mga Muslim. Halos wala naman police visibility sa Cotabato City at kung meron man ay madalang umanong makita ang mga parak na nagpapatrulya – araw man o gabi. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

1,493 total views, 0 views today

Comments are closed.