We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Wednesday, December 13, 2017
You are here: Home » Featured » 50 pasahero naisalba sa tumaob na motorboat
  • Follow Us!

50 pasahero naisalba sa tumaob na motorboat 

SULU – Nailigtas ng Coast Guard ang mahigit sa 50 mga pasahero ng isang motorboat matapos itong tumaob sa karagatan ng bayan ng Siasi sa lalawigan ng Sulu.

Walang naiulat na nasawi o nalunod sa aksidente na naganap kamakalawa, ngunit sinabi ng Coast Guard na walang permiso ang motorboat na pumalaot. Ngunit hindi naman mabatid agad kung bakit nakapalaot pa rin ang nasabing motorboat.

Tumaob umano ito dahil sa malaking alon at malakas na hangin matapos na lumisan sa Siasi. Maraming mga motorboat ang bumibiyahe sa karagatan ng Sulu at karamihan sa mga ito ay kolorum at walang mga life vests.

Ang mga motorboat ay bumibiyahe sa mga magkakalapit na isla. Walang pahayag ang Philippine Ports Authority at Maritime Industry Authority at ang Maritime Police sa naturang problema. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

9,077 total views, 1 views today

Add a Comment