We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Sunday, August 20, 2017
You are here: Home » Featured » Ama, 2 bata niratrat sa karagatan
  • Follow Us!

Ama, 2 bata niratrat sa karagatan 

PAGADIAN CITY – Patay ang isang ama at dalawa nitong anak matapos na sila’y ratratin ng mga armado habang nasa karagatan ng bayan ng Payao sa Zamboanga Sibugay province sa Mindanao.

Natagpuan na ang bangkay ng batang si Reymart Gorgonio, ngunit hindi pa nakukuha ang bangkay ng kanyang kapatid at amang si Ronald na pinaniniwalaang lumubog matapos silang paulanan ng bala kamakalawa ng hapon.

Sakay ang mga biktima ng kanilang bangka ng sila’y habulin ng mga armadong nakasakay rin sa motorboat. Patuloy pa rin ang paghahanap sa mga bangkay.

Hindi naman mabatid ang motibo sa pagpatay at kung bakit idinamay pa ang mga bata, Ngunit sinisipat ng pulisya ang away-pamilya sa naturang krimen.

“Elements of Payao municipal police station led by Senior Inspector Jerry Labrador and a group of fishermen are continuously conducting water search, rescue and retrieval operation at the aforementioned coastal vicinity for the possible recovery of the other victims while intelligence and investigator personnel are now conducting follow-up operation and case build-up for the possible identity and arrest of the suspects,” pahayag pa ni Chief Inspector Rogelio Alabata, ang regional police spokesman. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

 

525 total views, 3 views today

Add a Comment