We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Thursday, October 19, 2017
You are here: Home » Featured » Ginang, ginahasa at pinatay sa Zambo Sur
  • Follow Us!

Ginang, ginahasa at pinatay sa Zambo Sur 

PAGADIAN CITY – Isang ginang na inulat na nawawala sa Zamboanga del Sur ang natagpuang patay at hinihinalang ginahasa muna bago binaril sa ulo.

Sinabi ng pulisya na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa karumal-dumal na pagpatay sa 20-anyos na si Jomarie Cañete, na taga-Purok 6 sa Barangay Legarda Tres sa bayan ng Dinas.

Nabatid na nabubulok na ang bangkay ng babae at wala rin itong saplot sa pang-ibaba ng matagpuan ang kanyang bangkay. May tama ng bala mula sa .45-caliber pistol ang likuran ng ulo ni Jomarie at maraming galos sa katawan, ayon sa pulisya.

Nadiskubre ang bangkay nitong Sabado ng hapon, ayon sa pahayag kahapon ni Chief Insp. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman.

“The victim’s body is already in the advance stage of decomposition. The victim had no lower garments and underwear, with gunshot wounds in the back of her head and bruises in the different parts of her body. The victim was believed raped and then murdered,” ani Alabata.

Walang pahayag ang pamilya ng biktima sa naganap na krimen. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

1,323 total views, 2 views today

Add a Comment