We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Friday, September 22, 2017
You are here: Home » Featured » INC protest, kasado na sa Davao City
  • Follow Us!

INC protest, kasado na sa Davao City 

DAVAO CITY – Isang malaking protesta ang ikakasa ngayon Lunes ng Iglesia ni Cristo sa Davao City bilang bahagi ng malawakang kilos laban sa Department of Justice na umano’y nakikialam sa usaping panloob nito.

Manggagaling sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao ang mga miyembrong dadalo sa protesta bilang pakikiisa sa pagtutuol ng INC sa isinagawang imbestigasyon ni DOJ sa sigalot sa pagitan ng angkan ng Manalo.

Nauna nang naglunsad ng protesta nitong Agosto 27 ang libo-libong miyembro ng INC sa harapan ng DOJ sa Maynila at patuloy pa rin ito sa kasalukuyan. Inakusahan ng INC ang DOJ ng paglabag sa religious freedom at ng doktrina ng separation of church and state.

May kinalaman umano ang imbestigasyon ng DOJ sa kasong illegal detention na isinampa ng dating ministro Isaisas Samsom Jr laban sa mga lider ng INC. Ilang ulit na rin itinanggi ng INC ang akusasyon laban sa mga lider nito.

Iginiit naman ng mga miyembro ng INC na pinagiinitan ng DOJ ang Iglesia sa kabila ng maraming mga kaso tulad ng massacre ng mga rebelde sa 44 Special Action Force commandos sa Maguindanao nitong taon at iba pang mga high-profile cases na hanggang ngayon ay nakatiwangwang pa rin.

Inakusahan rin ni Samson ang pamunuan ng INC na korapsyon na itinanggi rin ng Iglesia. Sinibak si Samson matapos umano nitong binatikos ang patakaran sa loob ng Iglesia. (May ulat ni Christina Diabordo.)

 

1,497 total views, 1 views today

Add a Comment