We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Tuesday, July 25, 2017
You are here: Home » Entertainment » Lady Gaga, inirampa ang ‘creation’ ng Pinoy designer! – Abante
  • Follow Us!

Lady Gaga, inirampa ang ‘creation’ ng Pinoy designer! – Abante 

Kinagagalak ng Dubai-based Filipino designe­r na si Michael Cinco ang pagsuot ng pop icon na si Lady Gaga sa isa sa kanyang creations sa US TV series na American Horror Story: Hotel. Nag-post si Cinco ng photo sa kanyang Instagram account na suot ni Lady Gaga ang isang crystallized couture gown. Heto ang kanyang caption:

“LADY GAGA wears a crystallized MICHAEL CINCO couture gown in tonight’s episode of American Horror Story Hotel…thanks @ladygaga @stylepr @antonio_esteban @inessa_shak… @sayed5inco @salon_korona_ @kookiesheart @ronanopina… #ladygaga #ahshotel #stylepr #couture #swarovski #dubai #mydubai #madeindubai #michaelcinco.”

Isa si Michael Cinco sa paborito ngayong kunin para gumawa ng mga avant-garde at couture gowns para sa TV, pelikula, photo shoots at mga awards night.

Noong 2011, dalawang beses na-feature ang mga avant-garde creations ni Cinco sa America’s Next Top Model ni Tyra Banks. Last year ay si Cinco ang gumawa ng futuristic gown ni Mila Kunis sa pelikulang Jupiter Ascending.

Sinuot din ng singer na si Rihanna ang isang gown ni Cinco sa kanyang photo shoot for Harper’s Bazaar. Nitong nakaraang American Music Awards ay suot ni Jennifer Lopez ang isang creation ni Cinco.

Si Cinco din ang gumawa ng mala-prinsesang wedding gown ng Kapuso Primetime Queen Ma­rian Rivera noong ikasal ito kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes last year.

Ang iba pang celebrities na nakapagsuot ng Michael Cinco creations ay sina Naomi Campbell, Sofia Vergara, Britney Spears, Chris Brown, Fergie, Paris Hilton, Dita Von Teese and Mischa Barton.(Ruel Mendoza )

Link: http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/38573/lady-gaga-inirampa-ang-creation-ng-pinoy-designer-.html

19,115 total views, 2 views today

Add a Comment