We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Wednesday, September 20, 2017
You are here: Home » Featured » Mag-ama sugatan sa pamamaril
  • Follow Us!

Mag-ama sugatan sa pamamaril 

ZAMBOANGA CITY – Dalawang katao ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na lumusob sa kanilang bahay sa bayan ng Ipil sa Zamboanga del Sur province.

Ayon sa pulisya, dumating umano ang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo at pinasok ang bahay g karpenterong si Romeo Deompoc, 66, sa Veterans Village at binaril ito gamit ang .45-kalibre pistol.

Bagamat sugatan ay nakuha pa nitong makatakbo upang itago ang anak na babaeng si Marilyn, 22, ngunit ng sumilip naman sa bintana ang babae upang tignan ang kaguluhan at binaril rin ito sa ulo ng salarin.

Agad rin tumakas ang dalawang lalaki sa takot na magdatingan ang mga kapit-bahay at parak. Naisugod naman sa pagamutan ang mga biktima, ngunit inilipat rin kahapon sa Zamboanga City.

Nabawi sa lugar ang 5 basyo ng bala at inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at kung sino ang nasa likod nito. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

35,282 total views, 2,961 views today

Add a Comment