BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
ARMM denounces BIFF atrocities vs civilians
December 29, 2015
Police charge 2 Marawi men in slay try of television news team
December 29, 2015
Show all

Nawawalang kelot natagpuang bangkay na!

KIDAPAWAN CITY – Isang 36-anyos na lalaki na inulat na nawawala ang natagpuang patay – laslas ang lalamunan at inilibing ang bangkay nito sa isang taniman ng mais sa Koronadal City sa South Cotabato sa Mindanao.

Natagpuan ang bangkay ni Jury Gola-e matapos na umamin ang kaibigan nitong si Joseval Jaluna, 35, sa tiyong opisyal ng barangay na pinatay nito ang biktima noon pang bisperas ng Pasko sa Barangay Esperanza.

Agad naman ipinadakip ni Ferdinand Jaluna ang kanyang kaanak matapos na marinig ang lahat ng Salaysay nito.

Nabatid sa suspek na pinagnakawan diumano siya sa pera ng sariling kaibigan kung kaya’t sa sobrang galit nito ay sinapak si Jury at ng mawalan ito ng ulirat ay saka naman hinila sa maisan at doon nilaslas ang leeg at saka inilibing.

Nahaharap sa kasong murder ang si Joseval, ayon sa pulisya. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

1,743 total views, 2 views today