We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Wednesday, October 18, 2017
You are here: Home » Nawawalang taxi driver, natagpuang patay
  • Follow Us!

Nawawalang taxi driver, natagpuang patay 

PNP-2B2-2Bcopy

COTABATO CITY – Isang taxi driver ang natagpuang patay sa bayan ng Sultan Kudarat sa magulong lalawigan ng Maguindanao at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Unang inulat kamakalawa ang pagkakadiskubre ng isang bangkay ng lalaki sa Barangay Pigkalagan at may tama ito ng bala sa kanyang tagiliran, ngunit kahapon lamang nabatid na ito pala ay isang driver ng taxi na nakilalang si Dennis Saclausa, 33.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, inarkila umano ng isang pasahero ang taxi mula sa airport ng General Santos City at hindi na nakabalik sa kanyang operator si Dennis.

Sinabi ng pulisya na positibong nakilala ng kanyang pamilya ang bangkay, ngunit hindi naman natagpuan ang taxi nito. Sinisikap ngayon ng pulisya sa Maguindanao na makipag-ugnayan sa kanilang counterpart sa General Santos City upang alamin kung may nakuhang video sa airport sa pagsakay ng pasahero sa naturang taxi.

Hindi pa malinaw kung holdap ba at carnapping nang motibo sa pagpatay o kagagawan ito ng terrorista upang magamit ang taxi bilang car bomb. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net

1,381 total views, 1 views today

Add a Comment