We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Thursday, November 23, 2017
You are here: Home » Featured » Tibo nagbigti matapos hiwalayan ng nobya
  • Follow Us!

Tibo nagbigti matapos hiwalayan ng nobya 

PAGADIAN CITY – Dahil lamang iniwan ng kanyang girlfriend, isang tomboy ang nagbigti sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur dahil sa matinding sama ng loob matapos itong hiwalayan ng babae sa di-pa mabatid na kadahilanan.

Kinilala naman ng pulisya ang nagpatiwakal na si May Flor Christy dela Rama, isang 3rd year college student. Natagpuan itong nakabitay sa kanyang kuwarto ng sariling ama at agad itong ibinaba sa kama.

Kamakalawa ng umaga natagpuan ang bangkay ni May at nag-iwan pa ito ng suicide letter na isinulat sa isang yellow pad at text messages sa kanyang nobya bago nagbigti, ayon sa pulisya.

“Investigation conducted disclosed that based on the text messages found in her cellphone, the victim committed suicide due to love break up with her girlfriend who was currently in Cagayan De Oro City,” pahayag pa kahapon ni Chief Inspector Helen Galvez, ang regional police spokesperson.

Hindi naman inilabas ng pulisya ang pangalan ng nobya ni May, ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol dito. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

68,345 total views, 2 views today

Add a Comment