We write the truth, without fear or favor, to bring you the news and images from Southern Philippines|Tuesday, November 21, 2017
You are here: Home » Featured » Tunnel nagiba, minero nalibing ng buhay
  • Follow Us!

Tunnel nagiba, minero nalibing ng buhay 

ZAMBOANGA SIBUGAY – Patay ang isang minero matapos itong malibing ng buhay ng bumigay ang tunnel na kanilang hinuhukay sa lalawigan ng Zamboanga del Sur sa western Mindanao.

Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na nakuha na ang bangkay ni Ernesto Abadilla Sr, 54, sa Barangay Little Baguio sa bayan ng Imelda. Sugatan naman ang isa pang minero na nakilalang si Jerry Bandiang, 38.

Ayon kay Bandiang, naghuhukay umano sila sa loob ng tunnel ng biglang bumigay ito at natabunan ang kasama. Masuwerte na umanong nakaligtas siya sa kabila ng mga tinamong sugat matapos na anurin ng rumaragasang tubig palabas ng tunnel na kung saan ay natagpuan ito ng ibang mga minero.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap. “Ongoing yun imbestigasyon natin sa kaso,” ani Samuddin.

Nagkalat ang mga tunnels sa lugar na hinuhukay ng mga small scale miners sa kabila ng pagbabawal nito. (Mindanao Examiner)

594 total views, 2 views today

Add a Comment