KORONADAL CITY – Patay ang isang 15-anyos na babae at sugatan naman ang kapatid nitong menor-de-edad matapos na umano’y tamaan sila ng isa sa 2 gulong na natanggal sa rumaragasang pampasaherong bus sa Koronadal City sa North Cotabato province sa Mindanao.
Nabatid sa pulisya na dead on the spot si Trisha Cordova at nagtamo ng mga sugat sa katawan ang kapatid na si Francis, 13, ng sumalpok sa isang tindahan ang naturang gulong na natanggal sa isang unit ng Yellow Bus Line na minamaneho ni Silverio Salvador.
Naganap ang aksidente kamakalawa ng hapon sa Barangay San Roque na kung saan ay nasa tindahan ang dalawang biktima. Agad naman sumuko ang driver ng bus at kasalukuyan itong iniimbestigahan.
Hindi pa mabatid kung bakit maluwag ang turnilyo ng gulong ng nasabing bus. Walang inilabas na anumang pahayag ang pamunuan ng Yellow Bus Line ukol sa naganap. Nahaharap sa kasong criminal si Salvador sa pagkamatay ng bata. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper