ZAMBOANGA CITY – Nadakip ng pulisya at militar ang isang miyembro ng Abu Sayyaf matapos itong matunton sa kanyang hideout sa Zamboanga City.
Kinilala ng pulisya ang rebelde na si Regin Onsing Nazirin, alias Abu Nawas, na sabit umano sa kidnappings at pagpatay ng halos isang dosenang sibilyan sa Lamitan City noon 2001. Positibo umanong kinilala ng ilang saksi si Nazirin kung kaya’t agad itong isinailalim sa imbestigasyon.
Natunton ito sa Barangay Baliwasan Seaside ng mga operatiba na may dalang warrant of arrest matapos ng ilang linggong surveillance operation doon.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Nazirin o ang pamilya nito sa kanyang pagkaka-aresto. Inaalam pa ng pulisya kung may mga kasamahan itong nagtatago rin sa Zamboanga. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper