
ZAMBOANGA CITY – Patay nitong Miyerkoles ang dalawang katao at sugatan 5 iba pa matapos na araruhin ng isang bus ang kanilang Starex van sa highway sa Zamboanga City.
Nakilala ang mga biktima na si Dionicio Bernabe Jr at ina nitong si Caridad. Limang kasamahan nila ang sugatan matapos na bumangga sa kanilang sasakyan ang Liza May bus sa Barangay Quinipot.
Patungong Zamboanga City ang mga Bernabe mula bayan ng Tampilisan ng maganap ang aksidente.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya ay iniwasan diumano ng bus ang isang motorsiklong natumba sa gitna ng highway kung kaya’t pumaling sa kaliwa ito at nahagip naman ang van. Wasak naman ang sasakyan ng mga Bernabe.
Hindi naglabas ng pahayag ang operator ng bus, ngunit nahaharap sa kasong criminal ang driver nitong si Arnel Rendovio. (Ely Dumaboc)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper