ZAMBOANGA CITY – Nagmistulang artista si PNP Director General Ronald “Bato” de la Rosa matapos itong pagkaguluhan ng mga residente dito sa kanyang pagbisita ta kasama ang mascot nito.
Sinalubong naman ng mga opisyal ng pulisya si Dela Rosa sa pangunguna ni PNP regional police director, Chief Supt. Billy Beltran at city police chief, Senior Supt. Luisito Magnaye.
Dumating si Dela Rosa upang pasinayaan ang 115th anniversary celebration ng police service sa regional command headquarters sa Barangay Mercedes.
Game na game naman na nagpa-litrato si Dela Rosa sa kanyang mga tagahanga, at pati mga mamamahayag ay nakisali na rin sa selfie sa nasabing opisyal na “darling of the press” dahil sa kanyang mabait na ugali.
Maging ang mascot ni Dela Rosa na si PO1 Bato ay pinagkaguluhan rin ng mga residente at kapwa niya parak at nahila rin sa mga selfie. Nanawagan si Dela Rosa sa publiko na suportahan ang kampanya ng Pangulong Duterte kontra droga at kriminalidad. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper