
BASILAN (Mindanao Examiner / Apr. 16, 2013) – Nangunguna ngayon sa mga paborito sa Basilan province ang vice gubernatorial candidate ng Puwersa ng Masang Pilipino na si Assembly woman Rajam Akbar.
Suportado ng marami si Rajam, ang kapatid ni dating Basilan Gov. Wahab Akbar, dahil sa magandang track record nito at sa kanyang ibat-ibang programa para sa lalawigan na kabilang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinigurado naman ni Rajam na bibigyan nito ng kaukulang aksyon ang mga pangangailangan ng Basilan, partikular sa peace and development programs ng pamahalaan. Prayoridad rin nito ang agrikultura at impraistraktura ng lalawigan, gayun rin ang kabuhayan upang maisulong ang Kaunlaran ng Basilan na mayaman sa natural resources.
Si Rajam ang sa ngayon ang pinakamalakas sa lahat hg mga kandidatong tumatakbo bilang vice governor dahil na rin sa kanyang kakayahan at kagalingan sa pulitika.