
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 28, 2012) – Dismayado ang maraming miyembro ng “free online ad” site na “wahoy.com” sa Zamboanga City matapos na lagyan ng sapilitang “ad click” sa mga advertisements nito sa front page bago payagan na makapasok ang mga registered at non-registered users sa main page ng nasabing website.
Nauna na rin mag-reklamo ang maraming mga miyembro nito sa matinding “pop ads” na palaging bumubulaga sa mga users ng wahoy.com at tadtad pa ito ng mga “adware” o advertising software at possible pati “malware” o malicious software na nakaka-infect sa mga computers.
Noon ay tinanggal rin ng wahoy.com ang mga paglalagay ng larawan ng mga ibinibenta doon sa hindi pa mabatid na kadahilanan.
Kahapon ay sapilitan ang ginawang paglalagay ng wahoy.com sa ad click nito bago tuluyang makapasok ang mga users sa website. Ngunit ang matindi pa nito ay babad sa ad click ang naturang front page at aabutin pa ng napakatagal na oras bago tuluyang makapasok sa main page nito.
Dahil sa pahirapan sa wahoy.com ay maraming mga users ng wahoy.com ang lumipat na lamang sa “sulit.com.ph” at iba pang mga free online advertisement portal para sa kanilang mga ibinibenta o binibili sa Internet, at maging sa Facebook group page na “Buy and Sell Zamboanga” at “Zamboanga Online Shopping.”
At gayun rin ang “Zamboanga City Online Negosyo,” “Online Business and Earning Opportunities,” at “Shopper’s Corner,” at ang “Job Vacancies in Zamboanga City” na pawing mga accessible sa Internet at walang mga “ad click.” (Mindanao Examiner)