Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • National
  • PNoy, Deles nais patalsikin! AFP handa kontra coup
  • National

PNoy, Deles nais patalsikin! AFP handa kontra coup

Editor February 16, 2015
Minex4

MAGUINDANAO – Matindi na ang ugong sa posibleng coud de’etat laban sa pamahalaang Aquino bunsod ng pagiging mahina ng liderato nito kaugnay sa madugong trahedya na sinapit ng 44 Special Action Force commandos na pinaslang ng Moro Islamic Liberation Front sa Maguindanao province.
Ang kawalan aksyon  ni Pangulong Benigno Aquino na pigilan ang MILF sa atake nito sa mga commandos ang isa sa dahilan ng malawakang demoralisasyon sa hanay ng pulisya at maging sa ilang grupo sa loob ng militar.
Sampung oras na nanatili si Aquino sa Zamboanga City nitong Enero 25 sa kunwa’y pagbisita nito sa mga nasabugan ng bomba doon habang nakikipaglaban para sa kanilang buhay ang mga SAF commandos na kinuyog ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Barangay Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano.
Na-trap ang mga commandos doon habang palabas na sana matapos na mapatay ang Malaysian bomber na si Zulkifli bin Hir sa kanyang kubo sa loob ng teritoryo ng MILF.
Sa kabila ng kanyang kaalaman ukol sa madugong labanan ay bigo si Aquino na mailigtas ang mga commandos sa kamay ng mga kalaban. Tinawag pa nitong “mis-encounter” ang nasabing sagupaan.
Sinasabing may basbas ni Aquino ang operasyon ng SAF kung kaya’t agad itong lumipad sa Zamboanga City upang doon ipabatid ang pagkakapatay kay Zulkifli. Ginamit pa diumano ni Aquino na cover ang pagbisita sa mga biktima ng car bombing na naganap noon Enero 23, ngunit trahedya ang naging resulta ng misyon dahil bumulaga ang madugong balita na napatay ang mga SAF commandos.
Nais umano ni Aquino na mag-ala Pangulong Barack Obama ng ipag-utos nito ang sikretong operasyon ng SEAL Team 6 sa Pakistan upang patayin si al-Qaeda leader Osama bin Laden at tulad ng misyon ng SAF ay hindi rin ipinaalam ni Obama sa Pakistan ang naturang raid. Ngunit ang malaking kaibahan ng operasyon nina Obama at Aquino ay walang nasawing miyembro ng maliit na grupo ng SEAL Team 6 sa misyon.
Sa maraming panayam kay Aquino ay hindi nito inamin na may basbas niya ang naturang operasyon ng SAF na ibinigay umano kay suspended Police Director General Alan Purisima – na nagbitiw na sa kanyang puwesto – at maging si acting PNP Chief Leonardo Espina at Interior Secretary Mar Roxas ay bulag rin sa naturang misyon na pinangunahan ni  SAF Police Director Getulio Napeñas, Jr. at deputy nitong si Superintendent Noli Taliño.
Dahil sa naganap ay napilitan rin si Napeñas na magbitiw sa kanyang puwesto upang bigyan daan ang masusing imbestigasyon. Ang mga nasawing miyembro ng SAF  ay bahagi lamang ng halos 400 commandos na kasama sa operasyon, ngunit bigo naman ang grupo ni Napeñas na mailigtas ang mga kasamahan sa kabila ng kanilang pagsusumamo na magpadala ng reinforcements agad dahil wala na umano silang kalaban-laban sa puwersa ng MILF atBangsamoro Islamic Freedom Fighters.
May mga grupo rin sa Mindanao na nagsusulong na patalsikin si Presidential peace adviser Teresita Deles dahil sa kabiguan rin nito mapigil ang trahedya. Nais rin ng mga ito na busisiin ng Commission on Audit ang bilyon-bilyong pisong pondo ng tanggapan ni Deles – ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process – ang ang milyon-milyong salapi na ibinibigay umano ng pamahalaang Aquino at ng Malaysia sa liderato ng MILF na lumagda ng peace accord noon nakaraang taon.
Ngayon Pebrero 16 ay sinabi ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City na suportado pa rin ng Armed Forces of the Philippines nito ang pamahalaang Aquino.
“The Armed Forces of the Philippines continues to support our duly constituted authorities amidst all allegations and controversies surrounding the circumstances of the Mamasapano incident. We remain resolute in working for internal peace and security and recognize that any ploy of destabilization is against the constitutional mandate to preserve the national security of the State,” pahayag pa ng Western Mindanao Command. (Mindanao Examiner)
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 6 dead in rebel attack in Southern Philippines
Next: De Lima: NBI has already identified source of 6-minute viral video of wounded PNP-SAF member – The Manila Times

Related News

PBBM_ASEAN_pco
  • National

PBBM urges ASEAN, GCC, China to boost digital, trade, agri, RE collab

Editor May 29, 2025
DSWD
  • Health
  • National

DSWD GLs accepted in 92 Mercury Drug outlets starting June 2

Editor May 28, 2025
Christina-Frasco
  • National

PH launches new roadmap on food, gastronomy tourism

Editor May 28, 2025

Trending News

South Korea’s largest telecom operator suffers mass exodus of customers over data leak Hacker by Tima 1
  • International

South Korea’s largest telecom operator suffers mass exodus of customers over data leak

June 2, 2025
Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average NMin-Literacy 2
  • Mindanao Post

Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average

June 2, 2025
Davao Region’s economy shows resilience, eyes brighter 2025 dav-tourism 3
  • Mindanao Post

Davao Region’s economy shows resilience, eyes brighter 2025

June 2, 2025
BARMM lauds 8 Bangsamoro cultural masters in PUSAKA 2025 Cultural-tribute 4
  • Mindanao Post

BARMM lauds 8 Bangsamoro cultural masters in PUSAKA 2025

May 30, 2025
Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation Pacquiao 5
  • Sports

Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation

May 29, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.