

Isang simpleng pagbili ng tiket ng Scratchit ang nagbago ng buhay ni Juanita , isang residente ng Pasig City. Noong Hulyo 8, 2025, hindi niya inaasahan na ang isang tiket na binili niya sa Kapitolyo ang magbibigay sa kanya ng premyong P77,777.
Sa isang eksklusibong panayam, ibinahagi ni Juanita ang kanyang karanasan. “Bihira lang ako bumili ng Scratch It,” pag-amin niya.
Nuong malaman niyang siya ang nanalo ay labis ang kanyang saya. Plano niyang gamitin ang premyo sa pagpapagamot.
Bilang mensahe sa mga taong balak din bumili ng Scratchit, sinabi ni Junnita, “Malay ninyo kayo na ang mananalo sa susunod!”
Ang kwento ni Juanita ay isang inspirasyon sa lahat. Patunay ito na kahit maliit na bagay, tulad ng pagbili ng tiket ng Scratchit ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa buhay. Kaya, abangan ang inyong swerte! Baka kayo na ang susunod na manalo!
Ang mga larong Scratchit card ay pinasikat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang Scratchit ay kabilang sa mga programang sumusuporta sa mga kawanggawa na pinangangasiwaan ng PCSO. Sa maliit na halagang 20 hanggang 100 piso, may pagkakataon ang mga kalahok na manalo ng premyong umaabot sa 1,000,000 piso.