Hindi inaasahan ni Baltazar, isang 33-anyos na residente ng Calamba, Laguna, ang biyayang dumating sa kanya nang manalo siya ng ₱200K mula sa Scratchit card. Isang napakalaking tulong ito sa kanyang pang-araw-araw na buhay, lalo na sa gitna ng mga pagsubok at problemang kinakaharap niya.

“Sa mga gustong makaranas ng ganito, subukan niyo lang. Huwag mawalan ng pag-asa. Ang swerte, dumarating ‘yan sa tamang panahon. Pero tandaan, huwag abusuhin ang sarili.”
Nangyari ang panalo noong Agosto 10, matapos siyang bumili ng “Go Banana” Scratchit card sa isang Lotto outlet sa tapat ng Lakevill Gate 2 sa Sta. Rosa, Laguna. Ang jackpot prize ng larong ito ay umaabot sa ₱200,000,at napaka-swerte niya at nakuha ito.
“Linggo o Sabado, kapag walang pasok, dumadaan talaga ako sa Lotto outlet na ‘yon para bumili ng Scratchit. Parang libangan ko na rin,” kwento ni Baltazar.
Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pribadong kumpanya at permanenteng residente ng Camp Vicente, Calamba City, Laguna. Sa ngayon ay nangungupahan siya sa Lakevill 2, Sinalhan, Sta. Rosa, Laguna.
Lubos ang kasiyahan ni Baltazar sa kanyang napanalunan. “Hindi ko talaga inasahan. Malaking tulong ito sa akin para mabayaran ang mga utang, at dagdag na rin sa paghahanda namin ng kasal ng nobya ko,” masaya niyang pagbabahagi. “Mabait talaga ang Panginoon. Basta may tiwala ka, may pananalig, at hindi ka sumusuko sa pangarap mo, may darating na biyaya.”
Dagdag pa niya, “Sa mga gustong makaranas ng ganito, subukan niyo lang. Huwag mawalan ng pag-asa. Ang swerte, dumarating ‘yan sa tamang panahon. Pero tandaan, huwag abusuhin ang sarili..
“Sa Scratchit company, sana’y ipagpatuloy ninyo ang ganitong programa. Malaking tulong po talaga ito lalo na sa aming mga katulad na simpleng mamamayan. Isa po kayo sa mga naging daan ng pag-asa para sa maraming Pilipino,” dagdag pa niya.