Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Disaster preparedness ng TVIRD sa Zambo Norte lalong pinalakas!

Disaster preparedness ng TVIRD sa Zambo Norte lalong pinalakas!

Editor December 29, 2012
Picture-4
 Ang mga kawani ng TVIRD habang abala sa evacuation ng mga residente sa Barangay Agolo sa bayan ng Siocon sa Zamboanga del Norte.

ZAMBOANGA DEL NORTE (Mindanao Examiner / Dec. 29, 2012) – Lalong pinagtibay ng mining firm TVI Resource Development (Phils) ang community disaster preparedness nito sa Zamboanga del Norte province kasabay ng sunod-sunod na kalamidad sa Mindanao.

May operations ang TVIRD sa Mount Canatuan sa bayan ng Siocon at gayun rin sa Balabag Hill sa bayan naman ng Bayog sa Zamboanga del Sur at bahagi umano ng paghahanda nito ang kaligtasan ng mga komunidad sa bagyo at iba pang kalamidad sa kanilang lugar.

Nitong lingo lamang ay agad nailikas ng TVIRD disaster response team ang mga residente sa Barangay Agolo sa bayan ng Siocon bago pa man rumagasa ang bagyong Quinta, ayon kay Kaycee Crisostomo, ang tagapagsalita ng kumpanya.

Nabatid na ang naturang lugar ay tinitirhan ng mga informal settlers at umaasa sa ekonomiyang ibinibigay ng TVIRD sa nasabing bayan. Ngunit nasa paanan naman ito ng Canatuan kung kaya’t delikado sa landslides at flash floods.

“Oo at bago pa man dumating ang bagyo ay nasa ligtas na lugar na ang mga residente ng Agolo at buti na lamang ay hindi naman tayo naapektuhan ng husto ng kalamidad,” ani Crisostomo.

Kinumpirma rin ito ni TVIRD General Manager Heliodoro Valmores. “Agolo community sits beside a landslide-prone area and we cannot afford to risk the safety of the people living there,” wika pa ni Valmores.

Kasama ang mga trabahador at empleyado ng TVIRD sa naturang evacuation ng mga residente doon. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Cagayan Rep. Juan “Jack” Ponce Enrile, Jr. Christmas Greetings
Next: Army soldiers play Santa for patients in Philippine hospital

Trending News

Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur Nutritional-support-1 1
  • Mindanao Post

Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur

June 9, 2025
Northern Mindanao records 70 adoptions under new law Administrative-adoption 2
  • Mindanao Post

Northern Mindanao records 70 adoptions under new law

June 9, 2025
JBL Unleashes Next-Level Audio in Davao JBL 3
  • Business
  • Technology

JBL Unleashes Next-Level Audio in Davao

June 6, 2025
PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market Mango1 4
  • Business
  • National

PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market

June 3, 2025
DOTr orders closure, raps vs. AirAsia Move over excessive air fares AirAsia-MOVE-app 5
  • National

DOTr orders closure, raps vs. AirAsia Move over excessive air fares

June 2, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.