BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
6 sundalo nasabugan ng IED sa North Cotabato
June 22, 2018
Tangkang atake ng NPA napigilan
June 22, 2018
Show all

Dispatcher ng bus patay sa pamamaril sa North Cotabato

KIDAPAWAN CITY  – Patay ang isang 44-anyos na dispatcher ng isang bus makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang mga suspek sa Purok Rambutan, Barangay Old Bulatukan, Makilala, North Cotabato, Miyerkules ng umaga.

Sa panayam kay Kapitan Basilio Guinang, kinilala ang biktima na si Ruel Bain na residente ng nasabing lugar at dispatcher ng Metro Shuttle Bus sa Overland Terminal, Kidapawan City.

Nag-aabang lamang umano si Bain ng Bus alas-5:00 ng umaga para tumungo na sa kanyang trabaho ng maganap ang pamamaril.

Kalibre .45 na pistola ang ginamit sa krimen.

Ayon sa mga saksi, ang suspek ay sakay umano sa Bajaj Motorsiklo na mabilis na tumakas matapos na maisakatuparan ang krimen.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasiyon hinggil sa motibo sa pagpaslang kay Bain. (Rhoderick Beñez)

2,745 total views, 1 views today