BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Radyo Mindanao August 27, 2018
August 27, 2018
2 mekaniko utas sa pamamaril
August 27, 2018
Show all

Ex-NPA rebel, itinumba sa North Cotabato

KIDAPAWAN CITY – Pinaniniwalaang mga dating kasamahang rebelde ang pumatay sa isang 19-anyos na rebel returnee ng pagbabarilin ito sa gilid lamang ng isang simbahan sa Purok 2 sa Barangay Inac sa bayan ng Magpet sa North Cotabato nitopng Lunes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Reneboy Mission Angel, magsasaka at residente ng Barangay Noa. Batay sa ulat ni Senior Inspector Jose Mari Molina, hepe ng pulisya sa Magpet, dakong alas-6:40 ng umaga habang kararating lamang ni Angel sa Sto. Niño chapel ng biglang lapitan ng dalawang mga armadong kalalakihan at saka niratrat.

Dead on the spot ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan. Kalibre .45 pistola diumano ang ginamit sa krimen batay sa mga basyo ng bala na nakuha sa lugar.

Agad naman tumakas ang mga salarin sa bahagi ng Barangay Alegria na sinasabing pugad ng mga NPA.Patuloy pang sinisilip ang anggulong may kinalaman sa pagkalas ng biktima sa rebeldeng grupo ang motibo sa pagpatay. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/

34,246 total views, 0 views today