BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates

Karpentero, itinumba sa Zambo

HOT OFF THE PRESS: The Mindanao Examiner Regional Newspaper Feb. 12-18, 2018
February 11, 2018
Alternative Mindanao Examiner Regional Newspaper Website
February 11, 2018
Show all

Karpentero, itinumba sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang karpentero matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang salarin sa Zamboanga City sa magulong rehiyon ng Mindanao.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alsan Piang na pinaslang kamakalwa ng gabi habang pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Recodo. Pulos ulo at katawan ang tama ng bala ni Piang na siyang ikinamatay nito.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay sa biktima, ngunit sinabi ng pamilya nito na may naikwento umano si Piang bago ito pinaslang na nakaalitan nito ang isang ahente ng ilegal na “swetres” sa kanilang lugar.

Sinisilip na ngayon ng pulisya kung may kinalaman ang alitan sa nasabing krimen. Hindi pa inilalabas ng pulisya ang pangalan ng naka-alitan ni Piang dahil patuloy pa ang pagsisiyasat ng awtoridad sa kaso. Kilalang “drug” area ang nasabing barangay. (Mindanao Examiner)

See media rates: http://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: http://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

229 total views, 0 views today

Comments are closed.