BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Maguindanao, Marawi City families get Qurbani meat on Eid-al-Adha
August 14, 2019
Salugpungan’ schools defy suspension order–DepEd
August 14, 2019
Show all

Kidapawan, binaha ng prutas! Eat-All-You-Can sa halagang P50 lamang

KIDAPAWAN CITY – Nagbukas na ngayon ang apat na araw na “Fruits Eat-All-You-Can” na siyang highlight ng Timpupo Festival 2019 dito.

Mismong sa Plaza isinasagawa ito na kung saan sa halagang P50 ay maka-kakain ka na ng iba’t-ibang uri prutas tulad ng Lanzones, Marang, Rambutan, Durian, Saging, Mangosteen na pawang galing sa mga taniman dito.

Dahil sa murang halaga at sa dami ng uri ng prutas, dinagsa ng husto ang Plaza at maging taga-ibang lalawigan at lungsod ay nagtungo pa ng Kidapawan upang makatikim ng matatamis na prutas.

Dinagsa ng publiko ang Timpupo Festival sa Kidapawan City sa North Cotabato na kung saan ay bumuha ang mga sari-saring prutas at sa halagang P50 ay maari ng makilahok sa “Fruits Eat-All-You-Can.” (Rhoderick Beñez)

Nasa P40-P60 lamang ang kilo ng Durian at P20 naman sa Lanzones. Pinangunahan naman ni Mayor Joseph Evangelista ang nasabing programa kung saan bisita dito si Vice Governor Lala Mendoza at iba pang mga lokal na opisyal ng lungsod. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

1,657 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer