BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
SP enacts speed limit ordinance in Camiguin
April 2, 2019
40 Kidapawan business establishments ordered closed
April 2, 2019
Show all

Lalaki, sumuko matapos mapatay ang utol, isa pa sa Davao Sur

KIDAPAWAN CITY – Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang 33-anyos na lalaki na siyang pumatay sa kanyang sariling kapatid at security guard sa bayan ng Santa Cruz sa Davao del Sur.

Ayon sa pulisya, nakunsensya umano si Jaime Panerio sa kanyang nagawa kung kaya’t nag-desisyong sumuko.

Nabatid na naganap ang krimen sa Sitio Lower Pogpog sa Barangay Sibulan nitong Abril 1 lamang. Si Panerio ay residente ng Barangay Tinongtongan sa bayan ng Bansalan at selos ang umano ang ugat ng krimen.

Kinilala naman ng pulisya ay mga biktima na sina Mitchie Panerio, 28, isang magsasaka; at Elmon Galugas, 31. At batay sa inisyal na pagsisiyasat, ang mga biktima, kasama ang kanilang mga kaibigan, ay masayang nag-iinuman  sa bahay ng suspek na noon ay wala doon.

Habang nasa kalagitnaan ng pagiinuman ang mga biktima ay biglang dumating ang suspek at sinipa nito ang pintuan at ginulpi ang dati nitong kasintahan na si Judecel Avergonsado na naroon rin. Hindi pa nasiyahan sa ginawa ay bumunot pa ito ng .357 Magnum revolver at  binaril si Galugas at ang nakababatang kapatid.

Ayon kay Captain Mary Grace Martinez, hepe ng pulisya, isinugod pa sa pagamutan ang mga biktima, ngunit patay na ang mga ito. Swerteng nakaligtas si Avergonsado. Nahaharap ngayon sa kasong kriminal si Panerio. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

 

Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 (BOPIPHMM) Landbank: 195 113 9935 (TLBPPHMM)

9,525 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer