BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Radyo Mindanao May 23, 2019
May 23, 2019
Bikoy,’ social media platforms sued over narco-list video
May 23, 2019
Show all

Maguindanao binulabog ng 2 pagsabog

MAGUINDANAO – Dalawang magkasunod na pagsabog ang gumimbal sa mga residente habang nasa kalagitnaan ang mga ito ng (Taraweeh) pagdadasal habang isinasagawa ang pag-aayuno ng mga Muslim ngayong panahon ng Ramadam sa Talitay, Maguindanao.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones na nangyari ang mga pagsabog sa Barangay Poblacion ng bayan, bandang alas-6:45 ng Miyerkoles ng gabi.

Dalawang bala umano ng M-203 grenade launchers ang pinaputok ng mga hindi pa nakikilalang suspek ilang minuto lamang matapos ang Taraweeh prayer. Sumabog ang dalawang mga eksplosibo sa isang bakanteng lote malapit sa public market ng bayan ngunit maswerteng wala namang nasaktan sa insidente.

Una rito, ilang mga matataas na uri ng armas, mga bomba at mga bala ang nakuha ng militar sa barangay Bentan at barangay Kilalan, Talitay na iniwan ng dalawang armadong grupo na nakasagupa ng mga sundalo nung kasagsagan ng halalan. Nagresulta naman ito sa paglikas ng libo-libong mga sibilyan mula sa naturang mga barangay. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

3,543 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer