BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Deployment of OFWs in Libya stopped
April 13, 2019
Sub-standard products seized in Cebu, Bohol
April 13, 2019
Show all

Mga sibilyan takot maiipit sa labanan sa North Cotabato

KIDAPAWAN CITY – Balot umano sa takot ang mga residente sa bayan ng Magpet sa North Cotabato province dahil sa sunod-sunod na sagupaan ng mga sundalo at rebeldeng komunista.

Nangangamba ang mga taga-Barangay Balite at Mahongkog na baka sila ang maipit sa sagupaan o kaya ay gawing hostage ng mga rebelde o mapagkamalang mga rebelde. Ito ay matapos na 3 sibilyan ang inulat na nawawala ng maipit sa labanan ng dalawang grupo.

Sinabi ni Barangay Balite Chairman Edgar Hantoc na takot na takot ang mga magsasaka na pumunta sa kanilang sakahan dahil sa mga sundalo at baka muling makasagupa doon at sila ay madamay. May mga impormasyon na nagagawi umano sa mga barangay ang grupo ng mga New People’s Army dahil sa presensya ng mga sundalo doon.

Hinihingian na rin ng mga identification cards ng militar ang mga residente sa nasabing mga barangay upang makasigurong hindi kalaban ang mga ito.

Kinumpirma naman ito ni Lt. Col. Rey Alvarado, commander ng 72nd Infantry Battalion. Ayon kay Alvarado, nagpapatrulya ang mga tropa sa naturang bayan dahil sa mga ulat na may mga rebelde sa mga barangay. Seguridad umano ng mga sibilyan ang pino-protektahan ng mga sundalo. (Cherry Mae Exim)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

 

Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 (BOPIPHMM) Landbank: 195 113 9935 (TLBPPHMM)

7,832 total views, 4 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer