Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Mini-bus bumulusok sa baybayin dagat sa Zambo
  • Featured
  • Mindanao Post

Mini-bus bumulusok sa baybayin dagat sa Zambo

Chief Editor August 8, 2015

unnamed (4) copy unnamed (5) copy

Ito ang tanawin matapos na mahulog sa dagat ang isang mini bus sa Barangay Sinunuc sa Zamboanga city. (Mindanao Examiner Photo - E. Dumaboc)
Ito ang tanawin matapos na mahulog sa dagat ang isang mini bus sa Barangay Sinunuc sa Zamboanga city. (Mindanao Examiner Photo – E. Dumaboc)

 

ZAMBOANGA CITY – Mahigit sa dalawang dosenang katao ang sugatan o nasaktan kahapon matapos na araruhin ng isang mini bus ang seawall at mahulog sa baybayin dagat sa Zamboanga City.

Galing umano sa sentro ng Zamboanga ang bus at patungo sa Barangay Talisayan ng sumalpok ito sa seawall sa Barangay Sinunuc. May 28 pasahero ang bus at agad naman itong nadala sa pagamutan.

Sinabi naman ng driver na si Edgardo Matillosa na nawalan umano ito ng giya matapos na mabali ang ehe ng gulong ng bus. 

Paliwanag ni Matillosa na bigla umanong nag-locked ang kanyang manibela pagdating sa kurbada ng Sinunuc highway at hindi na niya nagawang mapahinto ang sasakyan kung kaya dumiretso ito sa dagat na nasa kaliwang bahagi.

“Bumalabag na yun gulong at nawalan na ako ng kontrol at sumalpok kami at mahulog sa Sinunuc,” ani Matillosa na isa sa mga sugatan.

Nagiimbestiga naman ang pulisya sa naganap upang matukoy kung may pagkukulang ang driver at ang may-ari ng sasakyan.

 

Talamak ang mga jeep sa paglabag sa traffic laws sa Zamboanga at tila ‘ningas cogon lamang ang operasyon ng Land Transportation Office at Traffic Section ng lokal na pulisya sa kanilang kampanya kontra motorista na lumalabag dito.

Sa kabila ng pasulput-sulpot na operasyon nito ay tila bulag naman ang mga awtoridad sa mga pampasaherong jeep at mini-bus na walang humpay ang paglabag sa batas-trapiko. 

Sa araw-araw na tanawin dito, kapuna-puna ang mga bumibiyaheng overloaded jeep at mini bus at bukod pa ang maraming mga pasaherong nakasakay sa ibabaw ng mga bubungan nito, subalit sa kabila nito ay dedma lamang dito ang mga awtoridad.

Hindi lamang peligro ang dulot nito sa mga pasahero kundi ang tahasang kawalan ng respeto ng mga tsuper sa naturang batas. Naunang idinahilan sa Mindanao Examienr  ni LTO regional director Aminola Abaton na kulang sila ng tauhan kung kaya’t hindi maaksyunan ang mga paglabag na ito. 

Maging ang City Hall at ang Traffic Section ng pulisya at Highway Patrol Group ay wala rin aksyon sa matagal ng problema sa mga abusadong tsuper at ang walang-katapusang paglabag sa batas ng mga jeepney drivers. 

Idinadahilan naman ng ibang mga opisyal na kakaunti lamang ang jeep na bumibiyahe or kaya ay madalang na ito sa gabi, partikular sa east coast ng Zamboanga, ngunit hindi naman nakasaad sa batas o maaaring gamitin dahilang ng overloaded jeeps.  

Hanggang walang malagim na aksidente ng mga overloaded jeeps at patuloy ang paglabag ng batas sa trapiko sa Zamboanga.  (May karagdagang ulat ni E. Dumaboc)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 2 soldiers killed in bomb attack in Southern Philippines
Next: Lalaki inutas ng kapit-bahay sa Zambo Sibugay

Related News

Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025
Misamis-Drug-Free
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

Editor June 16, 2025

Trending News

Russian official claims nations ready to supply Iran with nuclear weapons Dmitry-Medvedev 1
  • International

Russian official claims nations ready to supply Iran with nuclear weapons

June 23, 2025
Nuclear watchdog condemns US attack on Iranian nuclear sites as ‘illegal’ Iran-Nuclear-Sites-target 2
  • International

Nuclear watchdog condemns US attack on Iranian nuclear sites as ‘illegal’

June 23, 2025
PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers Christina-Frasco-Dot 3
  • National
  • Tourism

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers

June 19, 2025
PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services PhilHealth-Artcard 4
  • Health
  • National

PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services

June 19, 2025
How a Teacher is Cultivating the Future of Agriculture, One Batch of Scholars at a Time JeromeMabaso_ JGF-1 5
  • Business

How a Teacher is Cultivating the Future of Agriculture, One Batch of Scholars at a Time

June 19, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.