BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Philippine troops capture 3 members of gang linked to kidnapping of Aussie man
April 28, 2012
Blast kills soldier, 7 more wounded in Southern Philippine
April 29, 2012
Show all

Mining province sa Mindanao nilindol

DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 29, 2012) – Mistulang nakikiisa ang kalikasan sa sigaw ng mga residente sa Surigao del Sur na tutol sa large scale mining na sumisira umano sa mga kabundukan.

Ito’y matapos na lumindol sa lalawigan nitong gabi ng Sabado at ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay natunton ang sentro ng lindol sa silangan ng Tandag City.

Walang naiulat na sugatan o pinsala mula sa lindol na naganap naman matapos na mag-rally ang libo-libong mga residente sa bayan ng Madrid, Carrascal, Lanuza, Carmen at Cantillan.

Tinututulan ng mga ito ang patuloy na mining operations sa lugar dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan.(Mindanao Examiner)

1,687 total views, 1 views today