Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Nasaan si Titser?

Nasaan si Titser?

Editor December 19, 2013
Chopper-1-copy-2-
 Mababa ang lipad ng helicopter na ito ng militar sa Zamboanga City na kung saan ay patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa dinukot na gurong si Cathy Mae Casipong sa Zamboanga Peninsula. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Dec. 19 2013) – Wala na umano sa Zamboanga City ang dinukot na guro, ngunit patuloy pa rin ang paghahanap sa biktima na hinihinalang dinala sa Basilan province o sa ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula.

Ito ang sinabi ni Inspector Joel Tutuh na siyang nangunguna sa pagtugis sa mga dumukot kay Cathy Mae Casipong, na nagtuturo sa Sibogtok Elementary School sa Limaong Island ng Zamboanga. Hinila ito kamakalawa ng 10 armado na sakay ng apat na motorboat.

Sinabi pa ni Tutuh na kilala na nito ang isa sa mga dumukot at nakunan ng rin ng pahayag ang ilang mga saksi ukol sa naganap.

“Meron tayong mga witnesses ngayon dito at nagbigay ng kanilang statement. Kilala na natin yun isa sa mga dumukot,” wika nito at inamin rin ni Tutuh na ka-alyado ng isang kidnap-for-ransom group ang tumira sa guro.

Hindi sinabi ni Tutuh kung may kinalaman ang Abu Sayyaf sa naganap.  Hindi pa mabatid ang motibo sa pagdukot, ngunit naganap ito halos isang linggo lamang matapos na hilahin rin ng mga armadong grupo ang fish trader na si Cynthia Caboverde sa bayan ng Ipil sa katabing lalawigan ng Zamboanga Sibugay, at barangay kapitan na si Cecilia Alas-as sa bayan ng Sibuco sa Zamboanga del Norte.

Nadakip na ng pulisya ang isa sa mga dumukot kay Caboverde at nakilala itong si Adznar Chiong, at naisampa na rin ang kaso laban sa kanya at sa lider nilang si Nurhassan Jamiri, na isang notoryosong Abu Sayyaf leader na naka-base sa lalawigan ng Basilan, na katabi rin ng Zamboanga City. Dinukot si Caboverde matapos na magpa-sweldo sa mga fishing crew sa Barangay Magdaup.

Wala naman balita kay Alas-as na dinukot ng 3 maskaradong armado sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Paniran at hinila patungo sa karagatan na kung saan ay naghihintay ang isang motorboat. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: For $56, Filipino man murders widower
Next: Clan war erupts in Basilan province

Trending News

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers Christina-Frasco-Dot 1
  • National
  • Tourism

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers

June 19, 2025
PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services PhilHealth-Artcard 2
  • Health
  • National

PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services

June 19, 2025
PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13 PCG-pangasinan 3
  • National

PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13

June 18, 2025
Forensics Institute ‘major step’ in transforming PH justice system National-Forensics-Institute 4
  • National

Forensics Institute ‘major step’ in transforming PH justice system

June 18, 2025
8 NCR top cops relieved for failure to follow 5-minute response time Gen-Torre 5
  • National

8 NCR top cops relieved for failure to follow 5-minute response time

June 17, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.