BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Barangay Chairman, nakaligtas sa pamamaril
July 10, 2018
Tawi-Tawi vice mayor, Arabic teacher killed in Zamboanga City
July 11, 2018
Show all

Negosyante, itinumba sa harap ng establisiyemento

KIDAPAWAN CITY — Bumulagta ang isang negosyante makaraang barilin ng gunman sa harap mismo ng kanyang establisiemento sa Purok Mangga, Brgy. Saguing Makilala, North Cotabato, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni PCI Johnny Rick Felongco Medel, hepe ng Makilala PNP ang biktima na si Ernesto Palardo Jr., 44-anyos at residente ng Matalam St., Kidapawan City.

Batay sa ulat, alas-8:20 ng umaga habang nagmamaneho pa umano ng for-clip ang biktima sa harap ng kanyang establisiemento na Ermac Roll Up Door Shop na nasa Purok Mangga, Brgy. Saguing nang lapitan ng gunman at binaril.

Ayon sa mga trabahante nito, nakatakbo pa umano si Palardo pero ilang sandali ay binawian ng buhay dahil sa dami ng dugo na tumagas sa kanya.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay sa kulay itim na Wave na motorsiklo.

Ayon sa ulat, may dalawa katao umanong kausap ang biktima kahapon at may pinagtatalunan sila, isa sa mga kausap nito ay kinuhanan ng litrato ang biktima.

Isa ang personal grudge sa mga anggulong sinusundan ng pulisya sa imbestigasiyon dahil may tinanggal na tauhan ang biktima at ang relasiyon nito sa kanyang mga tauhan pero patuloy pang nagsasagawa ng malalimang imbestigasiyon ang Makilala PNP. Rhoderick Beñez

 

 

3,835 total views, 0 views today