Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Surigao, Agusan binaha at nilindol
  • Uncategorized

Surigao, Agusan binaha at nilindol

Editor December 27, 2011

KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Dec. 27, 2011) – Nabalot sa takot ang mga residente ng Surigao del Norte at Agusan del Sur matapos na umapaw ang mga ilog doon sanhi ng  malakas na buhos ng ulan at malubog sa baha ang malaking bahagi ng dalawang lalawigan sa Mindanao.

Umabot umano sa hanggang baywang ang baha at ilang mga kalsada ang hindi madaanan. Hindi naman agad mabatid kung may casualties sa panibagong flash flood sa dalawang lalawigan na kung saan ay talamak ang illegal logging.

Kinumpirma naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang flash flood sa Surigao at Agusan at ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos patuloy na inaalam ng ahensya ang sitwasyon doon.

Mahigit sa 1,000 katao ang nagsilikas sa mga evacuation centers dahil sa baha.

Tigib sa takot ang mga residente sa dalawang lalawigan dahil sa naganap na flash flood sanhi ng bagyong ‘Sendong’ sa lungsod ng Cagayan de Oro at Iligan nitong buwan lamang at mahigit sa 1,000 katao ang nasawi doon.

Nilindol rin kaninang umaga ang lalawigan ng Surigao del Sur at ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nasa 5.1 sa Richter scale ang lakas ng pagyanig.

Natumbok naman ng ahensya ang sentro ng lindol sa bayan ng Tandag at halos 40 kilometro ang lalim sa lupa ng ugat nito. Walang inulat na nasaktan o pinsala sa mga kabahayan ang nasabing lindol.

Naramdaman rin ang pagyanig sa bayan ng Socorro sa Surigao del Norte. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: 4 wounded in Sayyaf attack in the Philippines
Next: Bukidnon province hit by flash floods

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers Christina-Frasco-Dot 1
  • National
  • Tourism

PH gov’t hits country’s ‘false ranking’ as least safe for travelers

June 19, 2025
PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services PhilHealth-Artcard 2
  • Health
  • National

PhilHealth’s New Benefits for Post-Kidney Transplantation Services

June 19, 2025
PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13 PCG-pangasinan 3
  • National

PDEA seizes P9.5-B illegal drugs May 30 – June 13

June 18, 2025
Forensics Institute ‘major step’ in transforming PH justice system National-Forensics-Institute 4
  • National

Forensics Institute ‘major step’ in transforming PH justice system

June 18, 2025
8 NCR top cops relieved for failure to follow 5-minute response time Gen-Torre 5
  • National

8 NCR top cops relieved for failure to follow 5-minute response time

June 17, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.