Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Zamboanga jeepneys, talamak sa traffic violations!
  • Featured
  • Mindanao Post

Zamboanga jeepneys, talamak sa traffic violations!

Chief Editor July 9, 2015
Hindi alintana ng batang ito ang peligro habang nangungulekta ng pamahasahe sa pasahero sa Zamboanga City. Maraming mga menor-de-edad ang ginagamit ng mga jeepney drivers bilang konduktor sa Zamboanga sa kabila ng pagiging ilegal nito. (Mindanao Examiner Photo)
Hindi alintana ng batang ito ang peligro habang nangungulekta ng pamahasahe sa pasahero sa Zamboanga City. Maraming mga menor-de-edad ang ginagamit ng mga jeepney drivers bilang konduktor sa Zamboanga sa kabila ng pagiging ilegal nito. (Mindanao Examiner Photo)

unnamed (15) copy unnamed (16) copy

 Ito ang karaniwang tanawin sa Zamboanga, ngunit dedma lamang ang Traffic Section ng lokal na pulisya at City Hall, gayun rin ang Land Transportation Office sa walang humpay na paglabag ng batas-trapiko ng mga abusadong tsuper ng jeep at mini bus. (Mindanao Examiner Photo)
Ito ang karaniwang tanawin sa Zamboanga, ngunit dedma lamang ang Traffic Section ng lokal na pulisya at City Hall, gayun rin ang Land Transportation Office sa walang humpay na paglabag ng batas-trapiko ng mga abusadong tsuper ng jeep at mini bus. (Mindanao Examiner Photo)

unnamed (18) copy unnamed (19) copy

ZAMBOANGA CITY – Tila ‘ningas cogon lamang ang operasyon ng Land Transportation Office at Traffic Section ng lokal na pulisya sa kanilang kampanya kontra motorista na lumalabag sa batas-trapiko sa Zamboanga City.

Kaliwa’t-kanan ngayon ang paglalagay ng checkpoint, partikular sa dakong hapon at  gabi, ng mga kawani ng LTO at traffic policemen, upang mahuli ang mga lumalabag sa batas, partikular ang mga nakasakay o pasahero ng motorsiklo na walang suot na helmet o kaya ay walang dalang lisensya at iba pa, at gayun rin sa mga nagmamaneho ng kotse at mga sasakyan.

Sa kabila ng pasulput-sulpot na operasyon nito ay tila bulag naman ang mga awtoridad sa mga pampasaherong jeep at mini-bus na walang humpay ang paglabag sa batas-trapiko.

Sa araw-araw na tanawin dito, kapuna-puna ang mga bumibiyaheng overloaded jeep at mini bus at bukod pa ang maraming mga pasaherong nakasakay sa ibabaw ng mga bubungan nito, subalit sa kabila nito ay dedma lamang dito ang mga awtoridad.

Hindi lamang peligro ang dulot nito sa mga pasahero kundi ang tahasang kawalan ng respeto ng mga tsuper sa naturang batas. Naunang idinahilan sa Mindanao Examienr  ni LTO regional director Aminola Abaton na kulang sila ng tauhan kung kaya’t hindi maaksyunan ang mga paglabag na ito.

Maging ang City Hall at ang Traffic Section ng pulisya at Highway Patrol Group ay wala rin aksyon sa matagal ng problema sa mga abusadong tsuper at ang walang-katapusang paglabag sa batas ng mga jeepney drivers.

Idinadahilan naman ng ibang mga opisyal na kakaunti lamang ang jeep na bumibiyahe or kaya ay madalang na ito sa gabi, partikular sa east coast ng Zamboanga, ngunit hindi naman nakasaad sa batas o maaaring gamitin dahilang ng overloaded jeeps.

Hanggang walang malagim na aksidente ng mga overloaded jeeps at patuloy ang paglabag ng batas sa trapiko sa Zamboanga.  (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: FAO, DAF-ARMM launch P21-M project for farmers
Next: Palpak na serbisyo ng PLDT, binatikos sa Zambo

Related News

Nutritional-support-1
  • Mindanao Post

Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur

Editor June 9, 2025
Administrative-adoption
  • Mindanao Post

Northern Mindanao records 70 adoptions under new law

Editor June 9, 2025
NMin-Literacy
  • Mindanao Post

Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average

Editor June 2, 2025

Trending News

Treat Dad to something nice this Father’s Day Father's-Day 1
  • Business

Treat Dad to something nice this Father’s Day

June 13, 2025
Manulife Philippines Broadens Partnership with Haribon Foundation to Plant 15,000 Mangrove Trees in Quezon Province Photo-1 2
  • Business

Manulife Philippines Broadens Partnership with Haribon Foundation to Plant 15,000 Mangrove Trees in Quezon Province

June 11, 2025
Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur Nutritional-support-1 3
  • Mindanao Post

Bangsamoro government rolls out food aid for early learners in Lanao Sur

June 9, 2025
Northern Mindanao records 70 adoptions under new law Administrative-adoption 4
  • Mindanao Post

Northern Mindanao records 70 adoptions under new law

June 9, 2025
JBL Unleashes Next-Level Audio in Davao JBL 5
  • Business
  • Technology

JBL Unleashes Next-Level Audio in Davao

June 6, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.