BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Mag-asawang nasa death row sa Sabah, pipiliting sagipin ni Zambo Mayor Climaco
June 30, 2015
DPWH-ARMM to implement P397-M worth of infra projects in Maguindanao, Tawi-Tawi
June 30, 2015
Show all

Pambobomba sa militar naudlot, NPA nahuli

DAVAO CITY – Hawak ngayon ng pulisya ang isang isang rebeldeng New People’s Army matapos itong madakip habang naghahandang pasabugin ang dalawang bomba na itinanim nito sa daraanan ng mga sundalo sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley.

Sinabi ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na kasalukuyang iniimbestigahan si Rito Lucnod na nahuli sa Barangay Araibo nitong hapon ng Lunes. Nabigla pa umano si Lucnod ng malamang napaligiran na siya sa madamong bahagi ng barangay ng mga sundalong mula sa 28th Infantry Battalion.

Hindi na nakuha pa ni Lucnod na pasabugin ang mga bomba.

“The soldiers recovered two unexploded IEDs with blasting caps, triggering device and 100 meters electric wire from Lucnod. The local PNP is now filing for illegal possession of explosives and other appropriate charges against the bandit,” ani Caber.

Sinabi pa nito na umabot na sa 56 na mga IEDs o improvised explosive device na itinanim ng NPA ang nabawi ng militar sa ibat-ibang lugar sa eastern Mindanao mula pa nitong taon. Nakikipaglaban ang NPA upang maitatag ang sariling estado nito sa bansa. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News

2,133 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer