BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
DSWD-ARMM beneficiaries receive P2 million worth of projects during Duterte visit
October 29, 2016
The Mindanao Examiner Regional Newspaper Oct. 24-30, 2016
October 30, 2016
Show all

Sayyaf, patay sa labanan!

SULU – Napaslang ng militar ang isa umanong miyembro ng Abu Sayyaf matapos na makipagsagupaan ang grupo nito sa mga sundalo ngayon Linggo sa bayan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu.

Sinasabing 7 iba pa ang nakatakas mula sa militar, ngunit nabawi naman ng mga sundalo ang isang automatic rifle at pampasabog. Hindi pa mabatid kung kaninong tauhan ang napatay na Abu Sayyaf at hindi rin mabatid ang pangalan nito.

Sa kabila nito, bigo naman ang militar na mapuksa ang Abu Sayyaf kahit libo-libong sundalo pa ang ipinadala sa Sulu, isa sa 5 lalawigan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Hindi na rin malamang ng militar kung saan hahanapin ang mga Abu Sayyaf at kanilang lider at bihag pa ng naturang grupo ang isang dosenang mga Indonesian at Malaysia sailors na kanilang dinukot sa Sabah.

Mahigit sa isang dosena na rin ang pinalaya ng Abu Sayyaf kay Nur Misuari, ang lider ng Moro National Liberation Front, kapalit ng malaking halaga ng ransom. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

11,304 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer