CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ngayonMarso 10 ng militar ang isang rebelde ng New People’s Army na kabilang umano sa mga umatake sa grupo ng mga parak at sumunog sa 7 truck sa bayan ng Quezon sa Bukidnon province.
Sinabi ni Col. Romeo Brawner, Jr., ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na naganap ang sagupaan dakong alas 2.25 ng madaling araw sa Sitio Kipolot sa Barangay Palacapao na kung saan inatake ng mga rebelde kamakalawa lamang ang isang grupo ng mga parak. Pitong pulis ang sugatan sa ambush ng NPA doon.
Naabutan umano ng mga tropa ni Lt. Jay-P Lester Santiago, commander ng 10th Scout Ranger Battalion, ang mga tumakas na rebelde kung kaya’t nagkaroon ng labanan.
Sa hiwalay na ulat naman ni Col. Jess Alvarez, ang commander ng 403rd Infantry Brigade, ay sinabi nito sa Mindanao Examiner regional newspaper na nabawi ng grupo ni Santiago ang dalawang M16 automatic rifles, isang Ak-47 assault rifle, mga bala at ang bangkay ng nasawing rebelde.
Nagtagal umano sa kalahating oras ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo.
Muli naman ipinag-utos ni General Aurelio Baladad, commander ng Eastern Mindanao Command, ang walang humpay na operasyon kontra NPA. “We will pursue these bandits and will not allow them to continue to conduct atrocities in our communities so that the residents’ right to live peacefully will be upheld,” pahayag pa nito.
Matagal ng nais ng NPA na makapagtatag ng sariling estado sa bansa sa kabila ng paulit-ulit na peace talks ng pamahalaan sa komunistang grupo. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News