
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 24, 2014) – Napatay ng mga sundalo ang isang rebeldeng New People’s Army a sagupaang naganap sa Surigao City sa Mindanao.
Sinabi ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na nagpapatrulya umano ang mga tropa ng matimpuhan ang isang grupo ng mga rebelde sa Sitio Bedrock sa Barangay Mabini kung kaya’t nagkaroon ng labanan.
Nabawi rin ng mga sundalo ang isang AK-47 automatic rifle sa labanan na tumagal ng halos 15 minuto at wala umanong casualties sa panig ng militar. “Isang patay sa NPA side at nakuha rin natin yun Ak-47 niya at tuloy pa rin ang ating operation sa area,” ani Caber sa Mindanao Examiner.
Ayon kay Caber ay mahigit sa 80 na ang bilang ng mga armas na kanilang nakukuha mula sa NPA ng nakaraang taon. Sinabi nito na muling nanawagan sa NPAsi Eastern Mindanao Command chief Gen. Ricardo Rainier Cruz III na sumuko na lamang at mamuhay ng mapayapa kapiling ang kanilang mga bahal sa buhay.
Ang NPA ay nakikibaka upang maitatag ang sariling estado nito sa bansa. (Mindanao Examiner)