
CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 24, 2012) – Isang sibilyan ang nasawi at tatlong iba pa ang sugatan matapos silang ratratin ng mga di-kilalang armado sa bayan ng Maramag sa Bukidnon province sa northern Mindanao.
Agad naman tumakas ang mga salarin sakay ng dalawang motorsiklo matapos ng pamamaril sa isang gupo ng nga sibilyan sa highway ng Barangay Dologon nitong Biyernes ng gabi.
Hindi pa mabatid ang dahilan o motibo ng atake, ngunit sinabi ng pulisya ay isang lalaki ang napatay sa pamamaril. Nakaparada lamang ang pick-up ng grupo ng sila’y paulanan ng bala ng mga salarin.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa away o family feud ang atake o kaya ay isang thrill killing ang naganap. (Mindanao Examiner)