
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 22, 2012) – Isang teenager ang nasawi at 5 iba pa ang sugatan matapos na tamaan ng kidlat kahapon sa Zamboanga City sa Mindanao.
Isa sa mga sugatan ay nasa malubhang kalagayan sa pagamutan dahil sa tinamong pinsala sa katawan sanhi ng kuryenteng dumaloy mula sa kalangitan.
Hiwalay na tinamaan ng kidlat ang mga biktima at ang tatlo ay mismong sa loob ng kanilang kubo nahagip sa kasagsagan ng malakas na ulan. Ang tatlo naman ay ilang kilometro lamang ang layo ng tamaan ng kidlat.
Nagbabala naman ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa tuwing may kulog at kidlat at umiwas sa mga open space lalo na kung walang ibang mataas na istraktura. (Mindanao Examiner)