CAGAYAN DE ORO CITY – Mataas ngayon ang tensyon sa bayan ng Lumbaca Unayan sa lalawigan ng Lanao del Sur sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa patayan ng dalawang magkalabang angkan doon.
Naglagay na rin kahapon ng karagdagang checkpoint ang militar at pulisya sa ibat-ibang lugar doon matapos na mapatay nitong Abril 19 ang negosyanteng si Luminog Raado at maging ang asawa nito ay sugatan sa pananambang.
Nabatid na nagugat ang atake sa matagal ng alitan sa pagitan ng dalawang grupo at lalong lumalala ang tensyon matapos na ratratin naman ng mga hinihinalang kaanak ni Raado ang isang sasakyan sa Barangay Lumac Dilausan na inakalang mga kamag-anak naman ng kanilang kaaway na pamilyang Darimbang at 9 katao ang nasawi doon at marami pang iba ang sugatan.
Hindi naman nagbigay o naglabas ng anumang pahayag si Gov. Mamintal Adiong sa kaguluhan doon. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News