
PAGADIAN CITY – Kinumpirma ngayon Sabado ng pulisya sa Western Midnanao namahigit sa 100 ang inulat na nasawi at nawawala sa pananalasa ng bagyong “Vinta” sa Zamboanga Peninsula.
Ayon sa inisyal na ulat na inilabas ng Police Regional Office 9 ay umabot na sa 28 ang nasawi at 81 ang nawawala at mahigit sa 9,000 katao naman ang apektado ng bagyo. Pito rin umano ang inulat na sugatan sa naturang rehiyon na kinabibilangan ng Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, ayon kay Chief Inspector Helen Galvez, ang tagapagsalita ng pulisya.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Zamboanga del Norte, ngunit hirap naman ang pulisya na makakuha ng tumpak na impormasyon at detalye sa mga casualties dahil patuloy pa rin ang search and rescue operation sa lalawigan.
Ayon naman sa impormasyon na ipinasa sa pahayagang Mindanao Examiner ng isang sibilyan mula sa bayan ng Salug sa Zamboanga del Norte ay umabot na umano sa 60 ang nasawi doon at 110 kabahayan ang inanod ng baha.
Patuloy umanong kumakalap ng impormasyon kagabi ang pulisya. Wala naman inilabas na anumang ulat ang Western Mindanao Command ukol sa kalamidad o kung ano ang aksyon ng militar mga nawawalang katao. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper