
Ang larawan ng nakaraang Licensure Examinations for Teachers sa lalawigan ng Sulu na programa ng Provincial Government. (Mindanao Examiner Photo)
SULU (Mindanao Examiner / Jan. 5, 2014) – Halos 1,000 mga pampublikong guro ang nakinabang sa ipinamahaging book reviewer ngayon araw para sa Licensure Examinations for Teachers sa lalawigan ng Sulu.
Sinabi ni Fazlur-Rahman Abdulla, ang executive director ng Sulu Area Coordinating Center, na ipinamigay ng libre ng provincial government ang mga reviewers upang makatulong ito sa mga guro sa kanilang pagri-review sa nalalapit na licensure examinations ng Philippine Regulation Commission.
“Nearly a thousand Sulu teachers flocked to Sulu ACC late this afternoon to receive a free Review Book for Licensure Examinations for Teachers sponsored by Governor Totoh Tan. The only requirement was each of them should present copy of their registration, SACC staff counter-checked those in the master list and then the book is theirs. The distribution was completed 7:30 tonight when beneficiaries begged to wait for their turn until all will be called. There will still be free review sessions next week,” pahayag pa ni Abdulla.
Ang libro ay may pamagat na “The LET Roadmap: Onward to a new career in teaching” na sinulat nina Lydia Hilboro, Bert Tuga, Von Anthony Torio at Delfin Baquiran.
Orihinal na programa ni dating Gov. Sakur Tan na ngayon ay ang vice governor ng Sulu ang nasabing libreng review para sa mga guro ng lalawigan bilang suporta sa kanila at upang makapasa sa licensure examinations at mabigyan ng lisensya sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan.
Ngayon ay itinuloy naman ito ni Sulu Gov. Totoh Tan at namigay pa ng libreng reviewer para sa lahat ng guro na nagnanais na kumuha ng examinations. Suportado rin ito ni Vice Gov. Sakur Tan.
Tuwang-tuwa naman ang mga guro at pinuri ng husto ang walang humpay na suporta ng mag-amang Tan sa kanila at katunayan ay ginagastusan rin ng provincial government ang taunang review ng mga guro upang matulungan ang mga ito na makapasa sa taunang Licensure Examinations for Teachers.
Kumukuha pa ng mga professional educators sa Maynila ang provincial government upang dalhin sa Sulu at turuan ang mga guro. Pinopondohan na rin ng provincial government ang libreng review classes sa Sulu para sa civil eligibility examinations sa mga nagnanais na makapagtrabaho sa pamahalaan.(Mindanao Examiner)