Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • 17 patay sa sagupaan ng mga MILF commanders
  • Featured
  • Mindanao Post

17 patay sa sagupaan ng mga MILF commanders

Chief Editor December 27, 2016
NORTH COTABATO – Patay umano ang mahigit sa isang dosenang katao matapos na magsagupaan ang dalawang lider ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa bayan ng Banisilan sa lalawigan ng North Cotabato.
Sinabi ng pulisya, rido o clan war ang pinagmulan ng kaguluhan na nagsimula pa nitong December 23 sa pagitan nina Commander Ali at Bobby Rajamuda, at Kinig kontra sa grupo nina Commander Tanda at Paron. Ayon sa pulisya, umabot na ang sagupaan sa Sitio Kabugan sa Barangay Guiling sa bayan ng Alamada na kung saan ay umanib na ang grupo ni Commander Palaw at Tahir kina Tanda at Paron.
Ang mga apektadong lugar ng labanan sa Banisilan ay ang Sitio Kinamuran sa Barangay Pantar, Sitio Mapantaw, Hillside, Kulawan at Kibanog sa Barangay Malagap; Sitio Bang-bang sa Barangay Tinimbacan at Sitio Balindong sa Barangay Poblacion 1. Nabatid na 26 na pamilya ang lumikas mula sa Sitio Matampay sa Poblacion 1 habang 142 pamilya naman sa Barangay Malagap na may halos 700 katao.
Base sa salaysay ng mga nagsilikas ay abot na sa 7 ang nasawi sa panig ni Rajamuda at Kinig habang 10 naman kay Tanda at Paron at marami rin ang sugatan sa magkabilang panig. Sa ngayon mahigpit na mobile checkpoint ang isinagawa ng pulisya sa Banisilan, partikular sa mga apektadong barangay.
Tikom naman ang bibig ng liderato ng MILF sa kaguluhan. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sundalo, niratrat sa harapan ng bahay!
Next: Radyo Mindanao December 28, 2016

Related News

samier-sakur-toto
  • Mindanao Post

Legacy Prevails, Leadership Continues: Hon. Abdusakur M. Tan declared as Vice Governor-Elect of the Province of Sulu

Editor May 15, 2025
ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Editor May 13, 2025
PhilHealth1
  • Health
  • Mindanao Post

PhilHealth strengthens hospital partnerships through Financial Reconciliation Dialogue

Editor May 9, 2025

Trending News

Legacy Prevails, Leadership Continues: Hon. Abdusakur M. Tan declared as Vice Governor-Elect of the Province of Sulu samier-sakur-toto 1

Legacy Prevails, Leadership Continues: Hon. Abdusakur M. Tan declared as Vice Governor-Elect of the Province of Sulu

May 15, 2025
Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 2

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 3

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road Home-Credit1 4

Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road

May 10, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 5

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.