
MANILA – Dalawang angkan sa lalawigan ng Sulu ang muling nagbati matapos na ilang taon rin nagkahiwalay dahil sa pulitika.
Nagkasundo na ang pamilya at angkan ng yumaong Ahmad Nanoh na dating mayor ng Pangutaran at dating Sulu Gov. Sakur Tan matapos na magdesisyon ang dalawang grupo na magkasundo. Matagal rin nagkahiwalay sina Nanoh at Tan na dating magka-alyado at magkaibigan.
Kasama ng mga pamilya ni Nanoh at mga pinuno ng kanilang angkan at dalawang biyuda nito at mga anak; at sinaksihan naman ng mga alkalde ng Sulu ang naturang reunification na ginawa sa Maynila noong nakaraang Biyernes.
Kabilang sa mga opisyal na sumaksi sa paguusap ng dalawang grupo ay sina Mayor Hatta Berto, ng bayan ng Pandami na siya rin namagitan sa naturang pagbabati; at Mayor Tambrin Tulawie ng Talipao; Mayor Anton Burahan ng Pata at iba pa.
Sinabi ni Tan na lubos itong nagagalak at nagpapasalamat sa pamilyang Nanoh at sa lahat ng mga pinuno at miyembro ng angkan at natuldukan na rin umano ang kanilang nakaraan. Nagpasalamat rin ang kampo ng pamilyang Nanoh sa naganap na muling pagbabati nila kay Tan.
Suportado rin ng mga kaalyado ni Tan ang naturang pagbabati ng dalawang grupo. Matatandaang kumalas si Nanoh sa kampo ni Tan matapos itong lumipat sa grupo ni Cong. Munir Arbison na kilalang kalaban sa pulitika ni Tan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper