ZAMBOANGA CITY – Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakapatay sa dalawang babae sa Zamboanga City.
Magkahiwalay na natagpuan ang bangkay ng dalawa sa Barangay Limpapa at Talisayan nitong linggo lamang. Hindi pa nakikilala ang mga biktima, ngunit pareho umanong may tama ng bala sa likuran ng kanilang ulo ang mga ito.
Wala pang makuhang lead ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pamamaslang at kung may koneksyon ang krimen sa isa’t-isa.
Bihira ang ganitong klaseng krimen sa kababaihan sa Zamboanga City. Wala pang umaangkin sa bangkay ng dalawa hanggang kahapon. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper