Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • 2 bangkay nabawi sa nasunog na gusali sa Zambo!
  • Uncategorized

2 bangkay nabawi sa nasunog na gusali sa Zambo!

Editor April 9, 2013
Fire-4

Ang natira sa nasunog na ZamSulu Building sa Zamboanga City. (Mindanao Examiner Photo – Alvin Lardizabal)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Apr. 9, 2013) – Dalawang bangkay ang nabawi kahapon mula sa isang gusaling nasunog sa Zamboanga City matapos na umano’y makulong ang mga ito sa loob ng kanilang kuwarto.

Kinumpirma ni Zamboanga City Fire Marshall Dominador Zabala na nadiskubre nila ang bangkay matapos na magsagawa ng inpeksyon ang grupo nito sa ZamSulu Building sa Veteran’s Avenue.

“Confirmed at may dalawa tayong bankay na na-recover sa loob ng building pero hindi pa natin matiyak kung sino ang mga ito, ngunit may balitang mga helpers ang dalawang biktima,” ani Zabala.

Nabatid na mismong sa ikatlong palapag ng gusali nagmula ang apoy at isang 11-anyos na bata rin ang tumalon mula sa bintana at nasalo naman sa ibaba. Isang 65-anyos na matandang babae ay nasaktan rin matapos na maiipit ang daliri nito sa pagmamadaling makaiwas sa apoy.

Nakatakas naman ang mga ibang residente sa pamamagitan ng pagtatali ng mga kumot at saka bumaba mula sa mga palapag nito.

Pagaari umano ng Chua family ang naturang gusali sa Veteran’s Avenue, ngunit hindi naman nagbuigay ng anumang pahayag ang mga miyembro nito.

Ang nasabing gusali ay ginagamit rin bilang residential area at sa ground floor nito ay may banko, cargo forwarder, tailoring shop, tile store, gasul dealer, automotive parts store at dental clinic. Tinatayang aabutin sa mahigit P4 milyon ang pinsala sa sunog na nagtagal ng mahigit sa isang oras.

Isang masusing imbestigasyon ang sinimulan ng Bureau of Fire Protection upang mabatid ang dahilan ng sunog. (Mindanao Examiner. Alvin Lardizabal)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Gusali nilamon ng apoy sa Zambo
Next: 2 dead in Zamboanga fire

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.