
ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Apr. 25, 2013) – Inalat ng husto ang dalawang barangay kapitan sa bayan ng Titay sa Zamboanga Sibugay province matapos silang mahulihan ng boga ng mga parak.
Sinabi ni Insp. Ariel Huesca, ang spokesman ng regional police, na rumesponde umano ang mga parak sa ulat ng sagupaan sa pagitan ng mga magkalabang pulitiko sa Barangay Kipit, ngunit negative naman ito.
Ngunit ng pabalik na ang mga parak sa kanilang headquarters ay naispatan naman nila si Kapitan William Tabiliran ng naturang lugar na may dalang shot gun at agad itong inaresto dahil sa paglabag ng opisyal sa gun ban na ipinatutupad ng Commission on Elections at ng mga awtoridad.
At habvang patungo na ang mga ito sa himpilan ay natiyempuhan rin ng mga parak si Kapitan Filemon Dampayla ng katabing Barangay Dalisay na may bitbit rin isang homemade shotgun at ito’y inaresto rin.
Parehong nahaharap sa kasong illegal possession of weapons ang dalawang opisyal, ani Huesca. (Mindanao Examiner)