
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 18, 2013) – Patay ang dalawang coco lumber dealer matapos silang ratratin ng apat na armadong naka-bonnet sa bayan ng San Pablo sa lalawigan ng Zamboanag del Sur.
Sinabi ng pulisya na patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa pagpatay kina Christopher Tagayan at Rodulfo Clarin na tinadtad ng bala mula M16 automatioc rifles sa Barangay Dongos.
Nagpuputol pa ng coco lumber ang dalawa gamit ang kanilang chainsaw ng bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga salarin na tatlo sa kanila ay pawang nakasuot ng uniporme ng militar.
“Hindi pa natin alam ang motibo at on going pa yun investigation natin. Pati nga yun chainsaws eh tinangay rin ngf mga suspek,” ani Inspector Ariel Huesca, ang regional police spokesman.
Nabawi rin umano ng mga imbestigasdor ang 12 basyo ng bala mula M16 automatic rifles sa naturang lugar, ngunit hindi naman mabatid kung sino ang nasa likod ng krimen at kung may kinalaman ba ito sa clan war o family feud, o kaya ay mga armado at rebelde sa nasabing bayan. (Mindanao Examiner)